`tHanks to hosTs*
`siTe crediTs*

`MucH tHanks foR visiTing*
http://chi-chel.blogspot.com
*swings* ver 2.0
Blogger >> bLog
Photobucket >> phOto hoSting
Cbox >> taGboArd
Free-counters >> hiT counTer
Haloscan >> coMmenTs
phOtoshop = baNners
coReL draW = animatiOns
up DharMa dOwn = bG muSic

`bLurBs*
weird kid // close to being eccentric //
a pseudo vector artist //
graphic designing is what i do for fun // obsessive-compulsive //
musically inclined // can play the guitar // wish i can play the drums too, lol //
not so vain // ka-kikayan is in moderation //
vintage vintage // lurves aviators, jackets and hoodies //
orange pink and purple // splurges on books and starish items // vanilla frap adiktus //
techie girlie // juvenile and persuasive // an aspirant creative writer //
loathes flying ipis // dislikes jabaripikos and posers // red beetle cars //
nail polishes // back massage and foot spa //
i am taken and will always be (*oOops) //
fRieNdsTer
mYsPace
YM: rachiel_dc
Kanina, first-time kong sumakay ng MRT nang mag-isa lang. Ayus, gabi pa yun at take note! Southside pa! Ako'y isang taga northside na tao at kung mapadpad man ako sa south, siguradong maliligaw ako. Bigla tuloy akong naging proud sa sarili ko dahil nakauwi ako ng hindi naka-cab. Kaso sa MRT, ganito ang eksena:
- Makakapasok ka ng tren nang hindi naglalakad dahil matutulak ka papasok sa dami ng taong nasa likod mo.
- Dapat hawakan ng maigi ang tiket dahil baka ito'y mahulog. At kung mahulog man, hindi ka na makakayuko upang kunin ang nahulog mong ticket sa dami ng tao.
- Maaaring may makatabi kang taong may earphone sa tenga na sobrang lakas ang pagpapatugotg at ipinapakita nya ang kanyang iPod nano. (eh ano ngayon, meron naman ako iPod mini? pbbbt!)
- Kailangan matindi ang kapit mo sa mga hawakan at dapat ay matinik ka sa pagbabalanse upang hindi ka mapatumba sa katabi mo.
- Kahit may bakante nang upuan, hindi ka pagbibigyan ng mga lalaki. Makapal mukha nila, sila pa ang uupo. Tsk tsk.
Pero, nadama ko ang pagka-kolehiyala ko nang sumakay ako ng MRT. Wala kang sariling sasakyan, walang tatay na susundo, walang taxi-cab. Ikaw lang mag-isa at ang pera mo sa iyong bulsa. Matipid ang pamasahe. Katorse lang mula Ayala hanggang GMA-Kamuning. Tapos kinse lang ang tricycle mula GMA-Kamuning hanggang bahay namin. Ikumpara mo sa gas na full tank na 1,300 pesos na magagamit mo lang ng ilang araw. Ikumpara mo sa taxi cab na 30 pesos pag-upo mo pa lang. Biruin mo, makakabili pa pala ko ng isang pantalon o kaya damit kung nag m-MRT ako araw araw? Nguni't naisip ko, wala palang tren papuntang paaralan ko. At, kung magkaroon man, malapit na pala ko magtapos ng kolehiyo. Woot woot.
Mas pipiliin ko na yata ngayon na sumakay ulit ng MRT kaysa pahawakin ako ng manibela pag gabi. Kahit sardinas pa sa loob ng tren, nasiyahan naman ako.

On the swing set that never breaks
Back and forth I shall fly
Reaching to the wind, soaring high
Leaving all my troubles behind